Martes, Pebrero 23, 2016

Pagmamahal

 PAG-IBIG (What is Love?)





    Maraming salita tungkol sa pag-ibig at ginagamit natin ang salita sa iba't-ibang paraan. Pero ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng pag-ibig?Ang mapait na pagkakulong ng buhay, pinalalaya ng pag-ibig. Ang mapait na pagkawala ng damdamin ay binibigyan ng kapangyarihan ng pag-ibig. Ang mapait na buhay, pintatamis ng pag-ibig. Ang pinakamapait na sakit sa buhay ay ginagamot ng pag-ibig. Ang mapait na pagkabulag ng buhay ay binibigyang paningin ng pag-ibig.

     Walang kapangyarihan ang mas dakila kaysa sa pag-ibig. Sabi nila ang pinaka kailangan ng mga tao ay ang mahalin sila. Angpag-ibig ay nag-uudyok sa mga tao para gumawa ng hindi naman nila dating ginagawa sa kapwa nila tao. Ang pag-ibig ay pwedeng magdulot sa mga kabataan para gumawa ng kalokohan sa 'di oras. Ang pag-ibig ay nagbibigay kahulugan sa mga taong walang hangarin sa buhay. Ang pinakaliwanag sa pagpapatunay ng pag-ibig ay ang pagbibigay ng ating mga buhay para sa taong ating pinakamamahal. Ang magmahal ang pinakamahirap na tungkulin sa ating buhay. Kung wala ang pag-ibig hindi tayo natututong pahalagahan ang isang bagay. Kapag may gusto tayong gawin, gawin natin ng buong puso dahil sa puso nakatira ang pag-ibig. Ang pag-ibig hindi nadidiktahan kaya kung may pagmamahal sa puso ng tao, maiiwasan ang mga panloloko, paninira't inggit at kaaway na totoo.

     Pero kung pag-ibig ay ang pinakamagandang bagay, bakit napakaliit ng pag-ibig sa mundo? Bakit mayroon lalong pagkasuklam at pagkamuhi? Ang simple lang ng sagot. Ang totoong pag-ibig ay hindi ang pagpili na bawat isa sa atin ay ginagawa, kundi ito ay obligasyon na tadhana ang pumipili. Ang totoong pag-ibig ay nanggagaling lamang mula sa Diyos na mararamdaman natin sa kapwa tao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento